Maganda ang naging takbo ng pagbista ni United Nations (UN) Special Rapporteur Irene Khan sa bansa.
Ito ang inihayag ni Presidential Task Force for Media Security (PTFoMS) Undersecretary Paul Guttierez sa virtual press conference ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kahapon.
Ayon kay Usec. Guttierez, bilang lead agency sa pag-coordinate at paghahanda sa lahat ng mga gustong kausapin ni Khan, ginawa nila ang “extra mile” para makarating si Khan sa kanyang mga pagpupulong nang maayos at komportable.
Sinabi ni Guttierez, na may mga indikasyong nasiyahan si Khan sa paghahanda ng PTFoMS at ng pamahalaan.
Ayon kay Guttierez, bukas Pebrero 2, magsasagawa ng exit Conference si Khan kasama ang lahat ng ahensyang nakausap niya, sa Department of Foreign Affairs na magsisilbing kulminasyon ng pagbista ng UN Rapporteur sa bansa. | ulat ni Leo Sarne