Ikinokonsidera ng Senate Subcommittee on Constitutioanl Amendments na dalhin sa ibang lugar sa Pilipinas, partikular sa Visayas at Mindanao, ang pagdinig ng komite tungkol sa ipinapanukalang amyenda sa economic provision ng Saligang Batas.
Ayon kay Senador Sonny Angara, na siyang namumuno sa pagdinig sa Resolution of Both Houses no. 6, napag-usapan na nila ito ni Senate President Juan Miguel Zubiri.
Kabilang aniya sa mga ikinokonsiderang lugar na pwedeng pagdausan ng Economic Cha-Cha hearing ay ang Cagayan de Oro sa Mindanao at Cebu, Iloilo o Bacolod sa Visayas.
Nilinaw naman ni Angara na sa ngayon ay wala pang pinal na plano at kailangan pa niyang konsultahin ang mga kapwa niya senador at ang mga posibleng imbitahang resource person para sa ikakasang mga public hearing sa Economic Cha-Cha. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion