Puspusan ang ginagawang hakbang ng Department of Transportation (DOTr) para mapaganda ang operasyon ng Railway System ng Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista, kasunod ng naging pagpupulong nila kasama ang Japan Ministry of Land Infrastructure Transport and Tourism.
Natalakay din sa naturang high-level talks ang masinsing pagpapatupad ng mga railway project partikular na iyong pinopondohan ng Japan International Cooperation Agency o JICA.
Kabilang sa mga ito ay ang Metro Manila Subway Project na kukonekta sa mga Lungsod ng Valenzuela hanggang Pasay at Makati City gayundin ang North-South Commuter Railway na mula Calamba sa Laguna patungong Clark sa Pampanga.
Giit ni Bautista, sa pamamagitan ng 30-year railway masterplan na kanilang binabalangkas, mapupunan na nito ang agwat sa pagitan ng ideal railway industry sa kasalukuyang railway operations. | ulat ni Jaymark Dagala