Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Food and Drug Administration (FDA) na padaliin pa ang drug application process sa bansa, upang mas mabigyan ng access sa de kalidad na gamot ang mga Pilipino at upang mas mapababa rin ang presyo ng gamot sa bansa.
“Pharma-zones should reduce prices. For the moment, ‘yung mga critical sa atin ngayon, we are hoping to follow the one that has been introduced in India, for example, naibaba talaga nila ‘yung presyo ng kanilang drugs at saka nakapag-export pa sila,” – Pangulong Marcos Jr.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni FDA Director General Samuel Zacate na inilatag nila sa Pangulo ang mga ginagawang hakbang upang matulungan ang stakeholders, local drug manufacturers, at drug importers na mapadali ang pagrerehistro ng mga produkto.
“Another project… is the full digitalization so that the agency will have more application process on time. So we already have talks with the DICT and also the ARTA, the Anti-Red Tape Authority to have established the one-stop shop. It will help greatly the stakeholders of the drug pharmaceutical industry.” – DG Zacate.
Bukod dito, sinabi ng opisyal na pinahaba na rin ng FDA ang validity ng license to operate at certificate of product registration (CPR) mula sa tatlo hanggang limang taon na renewal, patungo sa lima hanggang sampung taon.
Bukod pa aniya dito ang ginagawa nilang revision ng mga fee o bayarin, upang ang mga laboratoryo at testing abilities ng bansa ay mailapit pa sa international regulations.
Habang napag-usapan rin sa pulong kasama ang Pangulo ay ang pagbuo ng pharma-zones, na magpapabilis sa drug application sa Pilipinas.
“It will give a more drug accessible to those selected three pharma-zones by the PEZA. So it will have a role, the FDA will have a role so that pagpasok po ng isang gamot, diretso testing, diretso registration para po magkaroon po ng mabilis at malaki ang lawak ng coverage especially those essential medicines, like for example the generic drugs and the antibiotics that has been approved by the stringent regulatory authority of the different countries.” -DG Zacate. | ulat ni Racquel Bayan