Ikinalugod ng Department of Transportation (DOTr) ang matagumpay na pakikipagtulungan nito sa SM Prime Holdings Inc. para sa konstruksyon ng EDSA Busway Concourse sa SM North EDSA.
Ito ang inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa ground breaking ceremony ng naturang proyekto ngayong araw.
Ayon sa Transportation Chief, ang pagtatayo ng EDSA Busway Concourse ay isang inisyatibo na tutugon sa mithiin ng DOTr na gawing accessible ang mga pampublikong transportasyon sa bansa.
Layon ng proyekto na magbigay ng ligtas, accessible, convenient, at PWD-friendly na walkways para sa mga commuter at pedestrian na papunta sa EDSA Busway station at mga tumatawid sa EDSA.
Ang naturang proyekto ay popondohan ng SM Prime Holdings Inc. at inaasahang matatapos sa July 31, 2024. | ulat ni Diane Lear