Dapat ay pakinggan at seryosohin ng mga nagsusulong ng paghihiwalay ng Mindanao ang pahayag ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez dapat ay ibasura na ang naturang plano dahil mismong ang Pangulo na ng bansa ang nagsabi na hindi ito uusad.
Sa talumpati ni PBBM sa Constitution Day, sinabi nito na mabibigo lang ang panawagan, dahil naka-angkla ito sa maling basehan, at taliwas sa itinatakda ng Konstitusyon.
Hindi rin aniya ito akma sa Bagong Pilipinas na hinu-hubog ng Marcos Administration, lalo’t pagkakawatak-watak lamang ang isinusulong ng mga panawagang ito.
“The former president, former Speaker and their followers should stop any talk and any actual plan, if there is any, to secede Mindanao. President Marcos has categorically stated that he would not permit our national territory to be reduced ‘even by one square inch’ and would not allow ‘even an iota of suggestion of its breaking apart. President BBM is serious, and they should take his statements seriously,” ani Rodriguez he said.
Counterproductive din niya ito dahil sa matatakot lang ang mga investors na mamuhunan sa Mindanao.
“It is counterproductive. It scares away investors. Most of our island – the Davao provinces in particular, the bailiwick of PRRD – is now economically progressive and peaceful, including the BARMM area,” dagdag ni Rodriguez.
Tinukoy din ng kinatawan ang pahayag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na isang Mindanaoan, na ginagawa ng national government ang lahat upang mapanatili ang kapayapaan at kasaganaan sa rehiyon na unti-unti na rin aniyang nagbubunga sa ngayon.
“Unlike in the past, our beloved island is represented in the Cabinet. So let’s take her word and stop all this secession talk, which which negates progress,” giit niya.| ulat ni Kathleen Forbes