Pahuhusayin ng Office of Civil Defense (OCD) ang River Basin Management bilang pangmatagalang solusyon sa problema ng pagbaha sa bansa.
Ito ang inihayag ni Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, kasabay ng pagsabi na hindi maipagkakaila na may mga hamon at problema na kailangang resolbahin para matapos na ang palagiang pagbaha sa ilang mga lugar sa bansa.
Kailangan aniyang magtulungan ang mga ahensya ng gobyerno, mga lokal na pamahalaan, pribadong sektor, at mga eksperto para masolusyunan ang mga problemang ito.
Paliwanag ni Nepumoceno dapat rebisahin ang mga polisiya at plano sa mga river basin; istriktong ipatupad ang polisiya kontra sa iresponsableng pagmimina; isulong ang environmental protection; magtayo ng flood-control projects; at permanenteng ilipat ang mga bulnerableng komunidad. | ulat ni Leo Sarne