Pangulong Marcos, ipinag-utos ang pagsasagawa ng structural assessment sa PAGASA Bldg. sa Hinatuan na napinsala ng lindol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsagawa ng structural assessment sa gusali ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na kabilang sa mga napinsala ng tumamang lindol sa Surigao del Sur.

“The forecast has become more and more important. Forecasting has become even more important than it always was, that’s why tama ‘yung concern na kailangang mayroon tayo – kung mayroon talagang Doppler radar dun ginagamit for the forecasting that should be operational,” —Pangulong Marcos.

Sa situation briefing sa Agusan del Sur, sinabi ng pangulo na mahalagang matignan ito, lalo’t nandoon ang doppler radar na importanteng instrumento sa weather forecasting sa rehiyon.

“Have a look at it kasi very important ‘yan for the forecasting. Para at least may warnings tayo when these things happen. Mayroon tayong warning na may parating na heavy rains, low pressure area,” President Marcos told DPWH Secretary Manuel Bonoan, who present during the briefing.

Sabi ng Pangulo, habang tumatagal lalong nagiging mahalaga ang papel na ginagampanan ng forecasting sa bansa.

“Hindi ba dati, kapag sinabing may bagyong parating mayroon tayong three to four days ‘di ba, three to five days, tapos sasabihin level … ang typhoon signal number 2 lang, number 3, kayang-kaya iyan. Ngayon, iba na. And this was like Odette [unclear] was the same … Yolanda actually was the one that started it. Kapag sabi may low pressure area, ano lang iyan, typhoon signal number one or two lang iyan. Within 24 hours, iyong Odette ay naging five. Within 24 hours, and that’s the new phenomenon that we have to face. That’s why forecasting has become even more important than it always was.” —Pangulong Marcos.

Kaugnay nito, inatasan rin ng Pangulo si DPWH Secretary Manuel Bonoan na higpitan ang koordinasyon sa LGU para dito.

Kung matatandaan ngayong araw, tumungo ang Pangulo sa Agusan del Sur upang personal na alamin ang pinsalang iniwan ng mga pag-ulan sa Caraga region, simula pa noong ika-29 ng Enero na nagresulta sa mga pagbaha at pagguho ng lupa sa rehiyon.

Ang Office of the President nagbigay rin ng P120 million financial assistance sa mga LGU sa lugar, para sa pangangailangan ng mga ito: P40 million para sa Agusan del Sur, P15 million – Agusan del Norte, P35 million – Surigao del Sur, P10 miliion – Surigao del Norte at P20 million Butuan City. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us