Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang napapanahong pagkumpleto sa natitirang bahagi ng Airport to New Clark City Access Road (ANAR) sa Mabalacat, Pampanga.
“I ask you in the BCDA to ensure the completion of the remaining works for t-his 20-kilometer highway.” -President Marcos.
Binigyang din ng Pangulo na ang pagsasakatuparan ng proyektong ito ay hindi lamang magbibigay daan para sa pagyabong pa ng turismo at pamumuhunan sa Pampanga, bagkus ay pabababain rin nito ang travel time sa pagitan ng Clark International Airport at New Clark City, mula isang oras patungong 20 minuto.
“Once operational, it will reduce travel time between the Clark International Airport and New Clark City from one hour to 20 minutes. It will also save commuters’ money – as ANAR is toll free,” -Pangulong Marcos.
Makatitipid rin ang mga commuter dito, lalo’t mananatili itong toll free.
Sabi ng Pangulo, ang ANAR ay bahagi ng One Clark development approach ng BCDA na layong isulong pa ang economic at social transformation ng bansa, sa pamamagitan ng pag-develop pa sa ibang lugar, sa labas ng Metro Manila.
“This road is much more than just an access road. It is part of our plan to propel Clark as an alternate growth area. It is a red carpet rolled out to those who will partake in all the best things that Clark can offer.” -President Marcos.
As of February 14, 2024, nasa 95.21% nang kumpleto ang proyekto na kinabibilangan ng six-lane runway, habang ang natitirang bahagi ng proyekto ay inaasahang matatapos sa ika-24 ng Hunyo.| ulat ni Racquel Bayan