Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagsisiguro ng malinis na inuming tubig ng mga taga-CARAGA Region, sa gitna ng mga nararansang pag-ulan at pagbaha sa lugar.
Sa situation briefing sa Agusan del Sur, sinabi ng Pangulo na tuwing may mga ganitong sakuna ang pagkakaroon ng malinis na inuming tubig ang isa kaniyang concern, lalo’t ayaw ng pamahalaan na magkaroon ng cholera outbreak o iba pang sakit ang mga nagsilikas, o apektado ng kalamidad.
Noong pananalasa aniya ng Bagyong Yolanda, may isang international organization na nagpakilala ng filtration system sa Pilipinas kung saan epektibong nalilinis ang maduming tubig, upang gawing ligtas na tubig inumin.
Inatasan ng Pangulo ang kalihim na makipag-ugnayan sa organisasyong ito, upang ang mga mabibiling water filtration system ay iiwan na ng national governement sa mga LGU para magamit sa iba pang pagkakataon.
“Each balde is sufficient for 100 people everyday, so maybe we should get that, pamigay na lang natin. Because that is a very simple technology. All we provide is a bucket.” -Pangulong Marcos
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, bukas (February 17) agad na magpapadala ng 15 yunit ng water purification machines ang pamahalaan sa Caraga.
Kaugnay nito, una na ring siniguro ni Health Secretary Teodoro Herbosa Jr. ang mga kinakailangang medisina para sa mga nasalanta ng bagyo.
“The regional office has already provided some of the medicines, some of them are for the wash, water and sanitation and hygiene. We provided already a bladde (tank) for water. And we also provided aqua tabs because we detected coliforms in the water source, so we are trying to avoid any outbreak in waterborne diseases,” -Secretary Herbosa. | ulat ni Racquel Bayan