Suportado ng Parañaque City LGU ang regulasyon na ipapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Council sa pagpapataw ng multa sa mga e-vehicle at e-tricycle na dumadaan sa National Road.
Isa din kasi sa nagiging problema ng barangay ang pamamasada ng e-trike na sobra kung maningil ng pamasahe sa kanilang pasahero.
Problema din ang mga e-trike kung saan sila ang nagiging sanhi ng buhol-buhol na trapiko dahil sa ginagawang parking ang mga gilid ng kalsada.
Bukod pa rito, isa rin sa pinoproblema ng Brgy. Baclaran ay ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga e-trike at e-bike sa lansangan lalo na sa kahabaan ng Roxas Blvd. at Quirino Avenue.
Samantala, nilinaw ng Brgy. Baclaran na hindi sila tutol sa paggamit ng e-bicycle at e-tricycle subalit mas mabuti aniya na magkaroon ng regulasyon, upang maiwasan ang anumang aksidente sa mga pangunahing lansangan. | ulat ni AJ Ignacio