Darating din ang tamang oras para panagutin ang televangelist na si Pastor Apollo Quiboloy sa kawalan nito ng respeto sa batas at awtoridad.
Ito ang sinabi ni Deputy Majority Leader Jude Acidre nang mahingan ng reaksyon kaugnay sa mga naging pahayag ng pastor sa kaniyang social media page.
Isa rito ang paratang na nakipagsabwatan umano ang pamahalaan ng Pilipinas sa foreign authorities partikular ang Amerika para siya ay dakpin.
Ani Acidre, alam ng pastor ang kaniyang ginagawang paglapastangan sa batas, awtoridad at mga nakalatag na sistemang politikal.
Sakali naman na hindi pa rin sumipot si Quiboloy sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises dahil hindi mangingimi ang Kamara na i-execute ang subpoenang inilabas sa kaniya.
Paalala pa ng mambabatas na walang sinuman ang mas mataas sa batas kahit pa mismo ang nagsasabing siya ay ‘appointed son of God’. | ulat ni Kathleen Forbes