Isinulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggamit ng solar power irrigation na aniya’y makapagbibigay ng dagdag patubig sa mga magsasaka.
Sa ceremonial palay harvesting at distribution of government assistance na pinangunahan nito sa Candaba, Pampanga, sinabi ng Pangulo na mapatataas ng solar irrigation project ang produksiyon at kita ng mga magsasaka.
Sa isang unit aniya ng solar power irrigation ay kaya nitong makapagpatubig ng 20 ektarya ng lupain.
Inihayag ng Chief Executive na libo-libong yunit nito ang pinaplano nilang ipakalat sa iba’t ibang bahagi ng sakahan sa bansa at pag-uusapan nila kung paano ito mapopondohan.
Sa pamamagitan aniya ng solar powered irrigation ay lalaki ang ani habang makikinabang din dito ang mga magsasaka. | ulat ni Alvin Baltazar