Muling naghatid ng tulong ang Philippine Air Force (PAF) sa mga apektado ng malawakang pagbaha sa Davao Region.
Ayon kay Air Force Spokesperson, Colonel Ma. Consuelo Castillo, inihatid ang tulong sa pamamagitan ng air lift gamit ang kanilang B-412 CUH at UH-1H aircraft.
Ilan sa mga hinatiran ng tulong ng Air Force ay ang daan-daang apektado ng pagbaha sa Sitio New Dahican sa Barangay Old Macopa sa bayan ng Manay sa Davao Oriental.
Dagdag pa ni Castillo, magpapatuloy naman ang paghahatid ng tulong ng AFP sa iba pang mga lugar na apektado ng malawakang pagbaha sa Mindanao.
Magugunitang kamakailan, naghatid din ng tulong ang AFP sa mga naapektuhan ng kalamidad kasama ang US Embassy. | ulat ni Jaymark Dagala