Sumaklolo na rin ang Philippine Red Cross sa mga indibidwal na apektado ng matinding pagbaha sa Mindanao dulot ng masamang panahon.
Ayon sa PRC, nagpadala sila ng dalawang ‘water tankers’ para tumulong sa paghahatid ng malinis at ligtas na tubig.
Aabot sa 8,327 indibidwal ang nakinabang sa 44, 200 litro ng tubig na ipinamahagi ng PRC sa Davao de Oro at Davao Del Norte.
Ayon kay PRC Chairperson at CEO Richard “Dick” Gordon, mahalaga ang access sa malinis na tubig sa panahon ng kalamidad tulad ng matinding pagbaha.
Samantala, maliban sa pamamahagi ng tubig ay tumulong din ang PRC sa pagbibigay ng first aid at emergency assistance sa mga apektado ng pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Mindanao
Hinikayat naman ng PRC ang publiko na bisitahin ang kanilang social media pages para sa mga gustong magbigay ng kanilang donasyon. | ulat ni Jaymark Dagala
📷: PRC