Ipinakilala ng Department of Tourism (DOT) sa pangunguna ni Sec. Christina Garcia Frasco ang bagong parangal na kikilala sa mga industry pioneers and institutions sa muling paglulunsad nito ng kauna-unahang Philippine Awards (PTA).
Layunin ng PTA na maging pinakamataas na parangal na ibinibigay sa industriya ng Pilipinas na kikilala sa hotels, resorts, destinations, local government units, tourism frontliners, homestays, MICE (meetings, incentives, conferences and exhibitions) venues, at iba pang tourism stakeholders na nagkaroon ng ambag sa tourism industry bilang isang economic driver.
Dagdag pa rito ang layunin ng PTA na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng DOT, pribadong sektor, mga lokal na pamahalaan, at media, kung saan binibigyang pagkilala rin ang kanilang propesyonalismo at suporta sa sektor.
Ang PTA, ay ang reinvention ng dating KALAKBAY Awards at Tourism Star Philippines. Magiging bukas sa publiko ang nominasyon para sa PTA Awards subject sa validation ng DOT.
Kabilang sa dalawa major categories ngayong taon ay ang pagkilala para sa Philippine Tourism Pillar Awards at ang Philippine Tourism Industry Awards. | ulat ni EJ Lazaro