Nagkasundo ang Pilipinas at Asian Development Bank (ADB) na magkatuwang na isulong ang mga programa ng gobyerno partikular ang green infrastructure at clean energy sa ilalim ng $10-billion climate financing commitment ng ADB for 2024 to 2029.
Kabilang ito sa tinalakay sa pulong ni Finance Secretary Ralph Recto kasama ang mga senior officials ng ADB kamakailan upang i-align ang partnership strategy sa key priorities ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Hiniling ni Recto sa ADB sa pagpapahusay ng programa ng digitalization ng pamahalaan upang mapadali ang pagbabahagi ng impormasyon sa pagitan ng mga ahensya para sa improved revenue collection efficiency.
Sa panig ng ADB, inihayag namam nito ang kanilang commitment para palakasin ang kooperasyon para sa infrastructure modernization, particular sa public-private partnerships (PPPs).
Inihayag din ng banko ang kanilang kagustuhan na suportahan ang refined tax reform proposals ng kagawaran.
Kabilang sa nasabing pulong ay sina ADB Vice President for Operations in East and Southeast Asia and the Pacific Scott Morris; Southeast Asia Department Director General Winfried Wicklein; Southeast Asia Department Deputy Director General Emma Veve; Philippine Country Office Director Pavit Ramachandran; and Southeast Asia Department Director Jose Antonio Tan III. | ulat ni Melany Valdoz Reyes