Nagkasundo ang Pilipinas at South Africa na palakasin ang relasyong pandepensa at tumuklas ng mga bagong larangang pang-kooperasyon.
Ito’y sa pakikipagpulong ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro kay Ambassador of South Africa to the Philippines H.E. Bartinah Ntombizodwa Radebe-Netshitenzhe, sa pagbisita ng huli sa DND.
Tinukoy ni Sec. Teodoro ang Logistics at Defense Industry bilang isang possibleng larangan ng pinalawig na kooperasyon, sa gitna ng pagsulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Malugod naman tinanggap ng embahadora ang inisyatiba at sinabing mahalaga ang pagtutulungan ng mga bansa sa pagharap sa mga umiiral na hamong panseguridad sa mundo.
Kapwa nagpahayag ang dalawang opisyal na inaasahan nila ang pagsasapinal ng mga panukalang “Defense Cooperation Agreement” sa pagitan ng dalawang bansa na magiging basehan ng mga “Joint activities” sa iba’t ibang larangan. | ulat ni Leo Sarne
Courtesy of DND