Nakipagpulong sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Metro Manila Council sa City of Los Angeles Emergency Management Department (LA EMD).
Ang pulong ay para sa study tour hinggil sa disaster at emergency response.
Sa ginanap na diyalogo, nakita ng grupo ni Abalos ang iba’t ibang exercises at modern technology na ginagamit ng LA EMD.
Aniya, malaki ang maitutulong ng study tour at ang pakikipagtalakayan kay LA EMD General Manager Carol Parks sa mga plano at pagsisikap ng DILG at local chief executives, para sa pagtugon sa disaster risk management and emergency response.
Sa panig ni MMDA Chair Romando Artes, ang mga makabagong pagsisikap sa emergency management ng LA EMD ay maaaring iakma upang umangkop sa sitwasyon ng Metro Manila, at higit pang gawin itong isang mas matatag na metropolis.
Kumpiyansa ang Metro Manila Local Chief Executives na ang kanilang natutunan mula sa LA EMD ay gagayahin sa kani-kanilang mga lungsod. | ulat ni Rey Ferrer