Nanalo ang Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) Region XI ng Silver sa prestihiyosong Cacao of Excellence Awards for the Best Cacao Beans in the World.
“Isa itong malaking karangalan na aming inaanunsyo na sa 222 entries mula sa 52 origins na mabusising inevaluate ng kagalang-galang na panel ng cacao experts mula sa buong daigdig. Ang ating mga partner, ang Saloy Organic Farmers Association (SOFA), na nirepresentahan ni Ms. Judith Gabasa, ay siyang napili at naparangalan ng Silver bilang isa sa mga The Best Cacao Producers in the World mula sa most prestigious Cacao of Excellence Awards nitong taong 2024 at ang nag-iisang kinatawan ng Pilipinas ngayong taon,” ito ang pahayag ng DA XI.
“Ito ang 2nd time na ang aming farming partners ay nakatanggap ng prestigious award! A New Philippine origin no less! Saloy!”, dagdag pa ng DA XI.
Ang SOFA ay naitatag sa ilalim ng Organic Conversion Program (OCP), na nailunsad noong 2021 sa Barangay Saloy, Calinan District, Davao City.
Hindi man nakapunta si Ms. Judith Gabasa para tanggapin nang personal ang kanilang award, ang DA XI ay nagsabi na ipinanagmamalaki nila ang pagtanggap ng award sa ngalan ng kanilang partner. | ulat ni Nitz Escarpe | RP 1 Davao