Isinapinal na ang plano ng Philippine Army para sa kauna-unahang malawakang Combined Arms Training Exercise (CATEX) “Katihan” na isasagawa sa susunod na buwan.
Ang pagsasanay-militar na isasagawa sa iba’t ibang kampo sa Nueva Ecija at Tarlac ay lalahukan ng mahigit 5,000 sundalo.
Kabilang dito ang 4,706 dismounted contingents at 1,463 mounted contingents mula sa Army units sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ayon kay Phil. Army spokesperson Col. Louie Dema-ala, layon ng ehersisyo na subukan ang kakayahan ng Philippine Army na mag-pwesto, mag-maneobra, at mag-panatili ang malaking pwersa sa labanan.
Bahagi aniya ito ng paghahanda ng Philippine Army sa pagpapalit ng kanilang pokus mula sa panloob na seguridad tungo sa panlabas na depensa. | ulat ni Leo Sarne
📷 Training and Doctrine Command, Philippine Army