Pumalo na sa Php P738.6 milyon ang halaga ng mga nasirang imprastraktura sa mga pagbaha at landslide sa Mindanao.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa P473 million ang halaga ng mga nasirang infrastructure facilities sa CARAGA Region, habang P265.5 milyon naman sa Davao Region.
Ayon sa NDRRMC, may kabuuang 134 ang bilang ng mga nasirang imprastraktura sa nasabing rehiyon.
Umabot naman sa 1,344 na mga bahay ang nawasak sa Northern Mindanao, Davao Region at CARAGA Region dahil sa malakas na pag-ulan mula noong Enero 28 hanggang Pebrero 3, 2024.
Nasa 783 ang partially-damaged at 558 ang totally-damaged.
Samantala, nanatiling hindi madadaanan ang anim na lansangan at 16 na tulay mula sa tatlong rehiyon. On-going pa ang clearing operations ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Local Government Units (LGU).| ulat ni Rey Ferrer