Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army ang kanilang kooperasyon para makamit ang “Stable Internal Peace and Security” sa Visayas region.
Ito ay pinagtibay sa pakikipagpulong ni PNP Area Police Command (APC) – Visayas Commander Police Major General Robert Rodriguez, kay Philippine Army 3rd Infantry Division (3ID) at Joint Task Force Spear Commander Major General Marion R. Sison, sa pagbisita ng opisyal ng PNP sa 3ID Headquarters sa Camp Peralta, Jamindan, Capiz kahapon, Pebrero 13.
Ang APC-Visayas ang nakakasaklaw sa Police Regional Office (PRO), 6, 7, at 8.
Tiniyak ni MGen. Rodriguez ang buong suporta ng PNP sa 3ID para tapusin ang insurhensya sa rehiyon, partikular sa Western at Central Visayas.
Nagpasalamat naman si MGen. Sison sa suporta ng PNP, kasabay ng pagsabi na sa pamamagitan ng mas malapitang kolaborasyon ng pulis at militar ay nalalapit na ang pagkamit ng “Stable Internal Peace and Security” sa Western at Central Visayas. | ulat ni Leo Sarne
📷: 3ID