PNP Chief, tutol sa rekomendasyon ng UN Rapporteur na buwagin ang NTF-ELCAC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng pagtutol si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa rekomendasyon ni UN Special Rapporteur Irene Khan na buwagin ang National Task Force To End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon, sinabi ni Gen. Acorda na marami nang nagawa at marami pang magagawa ang Task Force upang tuluyang makamit ang pangmatagalang kapayapaan at pag-unlad sa mga komunidad na dating pugad ng insurhensya.

Giit ni Gen. Acorda, kailangang ipagpatuloy ang community development program ng NTF-ELCAC upang lubusang maisulong ang pagkakaisa at kaunlaran sa lahat ng panig ng bansa.

Sa katunayan aniya, malapit nang mawakasan ang armed conflict sa bansa, at naghahanda narin ang pamahalaan sa magiging bagong papel ng NTF-ELCAC bilang National Task Force on Peace, Unity and Development. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us