Ipinaabot ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo ang pasasalamat ng Pambansang Pulisya sa Senado sa pag-apruba sa ikatlo at huling pagbasa ng PNP Reform Bill.
Sinabi ni Fajardo na inaasahan ng PNP na hindi magtatagal at malalagdaan na ng Pangulo ang naturang panukala upang maging ganap na batas.
Paliwanag ni Fajardo, marami nang pagbabago sa trabaho ng mga pulis mula nang nilikha ang PNP noong 1991, na wala sa kasalukuyang organizational structure.
Inihalimbawa ni Fajardo ang Anti-Cybercrime Units at Information and Communications Technology Units ay wala sa original na organisasyon ng PNP.
Sinabi ni Fajardo, na ang PNP Reform Bill ay napapanahon dahil ito ang solusyon sa “dysfunction” sa organisasayon ng PNP. | ulat ni Leo Sarne