Umaasa ng magandang kita ang ilang nagtitinda ng bulaklak sa Mandaluyong City ngayong bisperas ng Valentine’s Day.
Sa pag-iikot ng Radyo PIlipinas sa bahagi ng Boni Circle malapit lang sa City Hall, sinabi ng ilang nagtitinda ng bulaklak na bunsod ng mataas na demand kaya’t tumaas na rin ang presyo ng kanilang paninda.
Ang Sun Flower ay mabebenta sa halagang ₱250 kada piraso; Rose na nasa ₱150 kada piraso; Malaysian mums na nasa ₱50 kada stem at Astronella na nasa ₱50 ang bawat dalawang stem.
Maaari ring magpa-arrange ng bulaklak dito na naglalaro sa ₱300 hanggang ₱700 depende sa laki at dami ng mga bulaklak na ilalagay dito.
Bukod sa bulaklak, may stuffed toy ding ibinebenta rito na naglalaro rin sa ₱300 hanggang ₱700 depende sa laki at ayos. | ulat ni Jaymark Dagala