Inaasahan ng Department of Agriculture ang pagbaba rin sa presyo ng galunggong sa mga susunod na linggo.
Kasunod na rin ito ng pagtatapos ng tatlong buwang closed fishing season sa Palawan kaya naman maaari na muling makapangisda sa fishing ground nito.
Ayon kay DA Spokesperson Arnel de Mesa, batay sa pagtaya ng BFAR ay mararamdaman ang pagbaba sa presyo ng galunggong sa huling bahagi ng pebrero hanggang sa marso.
Sa ngayon, nasa P200 hanggang P330 ang bentahan ng local na galunggong sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Bukod naman sa galunggong, inaasahan din ng DA na bababa ang presyo ng iba pang pelagic fish kabilang ang tuna, at matang baka. | ulat ni Merry Ann Bastasa