Kampante ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na tataas ang produksyon ng isda na makukuha mula sa Bajo de Masinloc dahil sa rotational deployment na ipinatutupad ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
Ayon kay BFAR Spokesperson Nazario Briguera, pinatupad ang rotational deployment noong Pebrero a 1 at nagpapatuloy hanggang ngayon.
Layon nito na suportahan at mabigyan ng seguridad ang mga mangingisda sa karagatang sakop ng West Philippine Sea (WPS).
Malinaw ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang food security ng bansa.
Pinasinungalingan din ni Briguera ang ulat na itinataboy ng Chinese vessel ang mga mangingisda. Walang dahilan aniya para paalisin ang mga ito sa karagatang pag aari ng Pilipinas.
Sa panig ng Philippine Coast Guard (PCG), aminado si Commodore Jay Tarriela na hindi nawawala ang presensya ng Chinese vessel sa karagatan kung saan naroon ang mga mangingisdang Pinoy.| ulat ni Rey Ferrer