Umapela si House Committee on Labor and Employment Chair Fidel Nograles sa pamahalaan na maglatag ng mekanismo para sa proteksyon ng mga manggagawa mula sa epekto ng El Niño ngayong taon.
Pinakamahalaga aniya dito ay para sa mga manggagawa sa sektor ng agrikultura.
Sinabi ng Rizal solon na ang mga napagtagumpayan na ng Pilipinas sa agriculture sector ay maaaring mawala kung hindi mapaghahandaan ang epekto ng El Niño sa kanilang empleyo.
Paalala pa ng mambabatas na hindi lang trabaho, kundi pati seguridad ng pagkain ang nanganganib dahil sa tagtuyot na dala ng El Niño ngayong taon.
“These gains will quickly turn to losses if we are unable to implement measures that address the challenges posed by El Niño and their effect on our people’s employment… These are grave issues that we must address decisively and urgently,” ani Nograles. | ulat ni Kathleen Jean Forbes