Opisyal nang binuksan ng North Luzon Expressway ang Road Traffic Safety (RTS) Hub and Park sa Dau Pampanga.
Ang RTS hub and park ay proyekto ng NLEX upang mapagtibay ang road safety advocacy efforts nito.
Sa lugar na ito, gaganapin ang mga road safety training at seminar na isasagawa ng NLEX para sa mga empleyado at stakeholders nito.
Binigyang halimbawa, ang mga programang KalSaDa o Kaligtasan sa Daan at Usapang Driver.
Ang RTS hub and park ay isa sa mga proyekto na isinakatuparan ng NLEX.
Present sa pagbubukas ng proyekto ang pamunuan ng NLEX at mga kinatawan mula sa Land Transportation Office, Toll Regulatory Board at Metro Pacific Tollways Corporation. | ulat ni Rey Ferrer