Siniguro ng Department of Agriculture (DA) ang sapat na supply ng mais, bigas, asukal, karne ng baboy, at manok, at iba pang basic necessity, para sa mga susunod na buwan, kahit pa sa gitna ng nararanasang tag-tuyot sa bansa.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Agriculture Usec Roger Navarro na wala dapat ipag-alala ang publiko pagdating sa supply ng mga pangunahing pagkain lalo’t patuloy na kumikilos ang pamahalaan, upang mapagaan ang epekto ng El Niño sa bansa.
Base sa Rice Supply at Demand Outlook para sa 2024, ang supply ng bigas sa bansa ay nakikitang stable hanggang sa pagtatapos ng taon.
“Eggs will also be adequate with an annual supply that will last 189 days. The same is true for onions, sugar and fish, according to Laurel.” – PCO
Ang mais sasapat hanggang sa huling quarter ng 2024.
“For Corn, the supply will likewise be sufficient until the fourth quarter of 2024 with annual 42 days of buffer. The supply of pork will likewise be steady with annual surplus of 54 days while chicken supply is abundant with an annual stock that will last 181 days.” – PCO
Ayon naman kay Task Force El Niño Spokesperson at Communications Assistant Secretary Joel Villarama, bukod sa pagkain, una na ring siniguro ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan ang sapat na supply tubig at kuryente sa Metro Manila, at mga probinsya.
Sabi ng opisyal, tuloy ang pagpapaabot nila ng tulong sa mga pinaka-apektado ng tag-tuyot. Kabilang na ang pagbibigay ng binhi at abono sa mga magsasaka, at iba pang tulong.
Tulad aniya ng sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang approach na ginagawa ng gobyerno ay intervention at mitigation, kasabay ng panghihikayat sa lahat ng Pilipino na tumulong sa ginagawa ng pamahalaan.
Ayon sa opisyal, tinatayang nasa P150 million na ang halaga ng pinsalang iniwan ng El Niño sa mga pananim na palay at mais sa bansa.
Mula sa halagang ito, P141 million dito ay pinsala sa palayan. Nasa Php10 million naman ang pinsala sa mais.
Ayon sa opisyal, naitala ang mga pinsalang ito sa Region VI at IX.
“In terms of the work of the task force and the government, we are forward looking to mitigate the effects until maybe June to September.” —Villarama. | ulat ni Racquel Bayan