Mas pinaigting ng AFP Western Command (Wescom) ang seguridad sa Malampaya natural gas platform na matatagpuan sa baybayin ng lalawigan ng Palawan.
Ayon kay AFP Wescom Commander Vice Admiral Alberto Carlos, nais ng AFP na Philippines na matiyak ang walang-patid na operasyon ng gas platform kung sakaling may mga hindi inaasahang pagbabanta.
Kaugnay nito, magsasagawa ng Security exercise ang Wescom sa Malampaya natural gas platform sa ikalawang Quarter ng Taon.
Ayon kay VAdm. Carlos, makakasama ng kanilang mga tropa sa joint exercise ang mga security personnel ng Malampaya platform, na tatawaging Gas Oil Platform Takedown and Recovery Training. | ulat ni Leo Sarne