Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na bumilis ang paglago ng sektor ng agrikultura sa 1.2% noong 2023.
Ito ay batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Kabilang sa nakapag-ambag sa paglago ng sektor ng agrikultura ang mataas na produksyon ng poultry at livestock, at maatas na ani ng mga prutas at palay.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, ikinalulugod niya na nakapag-ambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa ang sektor ng agrikultura noong nakaraang taon.
Kumpiyansa naman ang kalihim na mas mahihigitan pa ito.
Batay sa datos ng DA, nasa 20.06 metriko tonelada ng bigas ang naani noong 2023 na nakatulong na mapababa sa 3.5 milyon metriko tonelada mula sa 3.8 milyon metriko tonelada ang naangkat na bigas noong 2022.
Tiniyak naman ng agriculture chief na mas patataasin ang farm inputs, post-harvest at storage facilities, at magtatayo ng mas maraming irigasyon ang DA alinsunod sa layunin nitong i-modernize ang agrikultura, matiyak ang food security, at maiangat ang kita ng mga magsasaka.
Ngayong 2024, nasa P167.5 bilyon ang pondo ng DA na mas mataas ng 5% kumpara noong 2023. | ulat ni Diane Lear