Naging mapayapa sa kabuuan ang tatlong araw na selebrasyon ng Chinese New Year sa lungsod Quezon, ayon yan sa Quezon City Police District (QCPD).
Sa isang pahayag, sinabi ni QCPD Director, Police Brigadier General Redrico Maranan, na walang anumang major untoward incidents ang naitala sa lungsod mula February 9-11 partikular na sa QC Chinatown sa Banawe Street, na pangunahing venue sa mga aktibidad ng Chinese New Year.
Matatandaang nag-inspeksyon mismo si Police Brig. Gen. Maranan sa kahabaan ng Banawe para matutukan ang nakalatag na security measures sa lugar.
Pangunahing tiniyak nito ang Police assistance at pagpapanatili ng seguridad ng publiko.
Katunayan, nagtalaga ang QCPD ng Police Assistance Desks (PADs) sa ilang lugar sa Banawe para sa mabilis na tugon ng pulis-QC.
Tinukoy din ng QCPD chief ang naging kolaborasyon ng pulis sa Quezon City Local Government Unit (QC-LGU), force multipliers, at iba pang ahensya na rason kung bakit naging generally peaceful ang selebrasyon ng Chinese New Year ngayong taon.
“I extend my heartfelt gratitude to everyone who played a significant role in making the Chinese New Year 2024 celebrations, a peaceful and incident-free event. It is a clear indication of what we can accomplish when we come together. The collaboration between the QCPD, the Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) under the leadership of Mayor Joy Belmonte, DPOS, Traffic Management, Task Force Disiplina, the Bureau of Fire Protection, force multipliers, and various agencies was indeed instrumental in our success, ani Police Brig. Gen. Maranan. | ulat ni Merry Ann Bastasa