Dapat magkaroon na ng consensus ang Senado at Kamara tungkol sa isinusulong na economic chacha bago ang 2025 midterm elections.
Sinabi ito ni Senador Sonny Angara, na namumuno ng pagdinig ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments tungkol sa Resolution of Both Houses no. 6 o ang panukalang economic chacha, sa gitna na rin ng target na maisabay ang plebesito ng economic chacha sa 2025 elections.
Ayon kay Angara, alinsunod sa konstitusyon ay dapat maitakda ang plebesito sa loob ng 60 hanggang 90 araw matapos maaprubahan ng Kongreso ang resolusyon.
Dapat aniyang magkasundo ang dalawang kapulungan sa timeline ng plebesito na maisabay sa 2025 elections para makatipid ang gobyerno.
Maliban dito, mapapaikli rin aniya ang proseso kung isasabay ang plebesito sa halalan. | ulat ni Nimfa Asuncion