Hindi sang-ayon si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa mungkahi na ihiwalay ang Mindanao sa buong Pilipinas.
Sinabi ni Dela Rosa na ayaw naman niyang kukuha pa siya ng visa kung bibisitahin niya ang kanyang mga apo na nasa Batangas.
Pinahayag rin ng Mindanaoan senator na wala namang may gustong maghiwa-hiwalay ang Pilipinas.
Nirerespeto rin ng senador ang pahayag ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez jJr. na makakaapekto lang sa peace process ang isinusulong ng “One Mindanao.”| ulat ni Nimfa Asuncion