Hindi pabor si Senador Chiz Escudero na buwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ito ang reaksyon ng senador sa rekomendasyon ni United Nations (UN) Special Rapporteur Irene Khan na lusawin na ang NTF-ELCAC.
Sa isang pahayag, iginiit ni Escudero na ang NTF-ELCAC ay isang inter-agency task force na layong silipin at tugunan ang mga ugat ng insurgency.
Ang task force aniya ang nagbibigay ng solusyon sa malalimang problema na sanhi ng insurgency.
Kakaiba naman, aniya, ito sa peace talks na isang proseso.
Dinagdag pa ng senador na naging gobernador ng Sorsogon, na maraming barangay sa kanilang probinsya ang nagbenepisyo mula sa mga proyekto ng NTF-ELCAC. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion