Nais ni Senador Raffy Tulfo na maimbestigahan sa Senado ang pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.
Sa inihaing Senate Resolution 913 ng senador, sinabi nito na ang Senate inquiry ay para matulungan ang pamilya ni Camilon na makamit na ang hustisya.
October 2023 nang opisyal na ideklarang ‘missing person’ si Camilon.
Base sa impormasyon na nakalap ng mga otoridad, ibinahagi ni Camilon sa kaibigan nitong si chin-chin ang kanyang relasyon kay Police Major Allan de Castro.
Si De Castro umano ang nakatakdang kitain ni camilon noong araw na nawala ito, bagay na tinanggi naman ni De Castro.
Dahil sa mga development ng kaso at mga testimonya ng mga testigo, na-dismiss na sa serbisyo si De Castro epektibo nitong January 16.
Giniit naman ni Tulfo na ang pagkakasangkot ng mga pulis sa mga krimen nitong mga nakaraang buwan ay nagpapakita lang ng pangangailangan na rebyuhin ang screening process ng mga papasok sa kapulisan gayundin ang pananatili sa active duty ng ilang mga police officer. | ulat ni Nimfa Asuncion