Extended na simula sa Lunes, February 12, ang operasyon ng ilan sa mga health centers nito sa Makati City upang maserbisyuhan ang mga residente nito.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Makati, ang mga sumusunod na health centers ay magbubukas na mula ala-6:00 ng umaga hanggang ala-10:00 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes. Kabilang dito ang:
Bangkal Health Center
Poblacion Health Center
Kasilawan Health Center
Guadalupe Nuevo Health Center
Maliban sa mga Makatizens ay maaari ring magpakonsulta sa mga nabanggit na health centers ang ma residente ng mga EMBO barangays.
Kinakailangan lamang pumunta sa mga health centers para makakuha ng inyong mga schedule.| ulat ni EJ Lazaro