Nakatakdang magpatupad ng series ng electrical maintenance activities ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa NAIA Terminals 1 at 2, International Cargo Terminal, MIAA Administration Building, at airfield simula Ngayong February 6 hanggang March 7 bilang bahagi ng pag-upgrade ng ongoing electrical systems ng NAIA.
Ayon sa MIAA bagamat may kaunting abala ang mararanasan sa ilang lugar ngunit tinitiyak nito sa riding public na ang mga critical system na ginagamit para sa pagproseso ng pasahero ay mananatiling operational.
Tiniyak din nito na walang magiging epekto sa schedule ng trabaho at sa flight operation.
Una nang nagkaroon ng pagpupulong ang MIAA at Meralco, mga stakeholders, at service provider
upang ipaalam sa kanila ang naka-schedule na power maintenance, upang matiyak na hindi maantala ang mga flight at paggalaw ng mga pasahero sa panahon ng aktibidad. | ulat ni AJ Ignacio