Sinimulan na ng Maynilad Water ang inisyal na operasyon ng bagong gawang Sewage Treatment Plant (STP) sa Marulas, Valenzuela.
Ang treatment plant na ito ang lilinis sa wastewater ng 300,000 customers mula sa siyam na barangay ng Valenzuela City.
Ayon sa Maynilad, sa ganitong paraan ay mas maituturing nang ligtas ang pinapakawalan nitong tubig.
Ang Valenzuela Water Reclamation Facility ng Maynilad ang ika- 23 wastewater treatment facility na may kakayahang maglinis ng milyong litro ng wastewater kada araw.
Oras na matapos naman ng Maynilad ang pag install sa 27.4-km sewer network sa Valenzuela ngayong taong 2024, kakayanin na nitong makakolekta at mai-treat ang 60 MLD wastewater mula sa mga barangay ng Gen. T. De Leon, Karuhatan, Malinta, Marulas, Maysan, Parada, Paso De Blas, Lingunan at West Canumay.
Ayon sa Maynilad, kasalukuyang nag-upgrade sila ng wastewater facility sa Caloocan at nagtatayo ng apat na bagong pasilidad sa Las Piñas, Bacoor at Tunasan gayundin sa Cupang, Muntinlupa. | ulat ni Merry Ann Bastasa