Ito ang naging mensahe ni Leyte Representative at House Speaker Martin Romualdez bilang panauhing pandangal sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa lalawigan ng Siquijor na nagbukas ngayong araw at magbibigay serbisyo hanggang bukas, Pebrero 19, 2024.
Ayon kay Speaker Romualdez, hindi tinitingnan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang liit o laki ng isla at populasyon ng isang lugar sa pagbibigay serbisyo mula sa pamahalaan bagkos ay tututokan upang mapalapit ang mga lugar na hindi malimit makarating ang tulong mula sa gobyerno.
Kaya naman, ang Siquijor province na may pinakamaliit na populasyon sa lahat ng component provinces sa buong Central Visayas ang napili ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na pagdausan ng caravan of services mula sa 39 na ahensya ng gobyerno.
Nagtala din ayon kay Romualdez ng kasaysayan ang lalawigan dahil ito ang unang pagkakataon na ang 100% family population sa isang recipient province ay naging beneficiaries ng libreng programa at serbisyo na umabot sa Php300 milyon.
Ayon naman kay Siquijor Governor Jake Vincent Villa, si Romualdez ang kauna-unahang nagsisilbing House Speaker na bumisita sa island province.
Dahil dito, nagpasalamat si Villa at sinabing hindi ito makakalimutan ng mga Siquijodnon.| ulat ni Jessa Agua-Ylanan| RP1 Cebu