Naglunsad ng Diplomatic Briefing on Disaster Preparedness ang Taguig City LGU sa pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs DFA para sa mga embahada at international organization na may mga tanggapan sa lungsod.
Nagtipon sa briefing ang mga diplomat at kinatawan ng mga organisasyon mula sa 20 embahada sa Taguig upang matutunan kung paano maghanda para sa posibleng pagtama ng lindol at iba pang kalamidad.
Pinuri ni DFA Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs Jesus S. Domingo ang paghahanda ng Taguig LGU at pagbibigay ng mga ideya sa posibleng pagtama ng The Big One at West Valley Fault.
Ayon Kay Domingo, ang diplomatic corps briefing na ito ay magiging pangalawa sa serye ng awareness campaign na isinasagawa ng Department of Foreign Affairs sa pakikipagtulungan ng local government units.
Kailangan aniya na maging mulat ang publiko sa mga banta ng malalakas na lindol upang mapaghandaan at mabawasan ang mga negatibong epekto sa panahon ng kalamidad. | ulat ni AJ Ignacio
📷: Taguig LGU