Kinumpirma ng Taguig City Police Station na nakatanggap ng bomb threat ang tatlong eskwelahan sa lungsod ngayong araw.
Ayon kay Taguig City Police Chief Robert Baesa, kabilang sa mga nakatanggap ng banta ang Univeristy of Makati, Bonifacio Elementary School, at West Rembo Elementary School.
Sa West Rembo Elementary School, pinalabas at pinauwi ang mga mag-aaral matapos makatanggap ng bomb threat pasado alas-12 ng tanghali.
Agad namang idineploy ang mga tauhan ng Explosive Ordinance Division ng Southern Police District at K-9 units sa mga nabanggit na paaralan upang siyasatin pero nag-negatibo ang mga ito sa bomba.
Patuloy pang iniimbestigasahan ng Taguig PNP kung saan nanggaling ang bomb threat.
Matatandaang nirespondehan din ng Taguig PNP ang ilang tanggapan ng pamahalaan sa lungsod kahapon kabilang ang Department of Science and Technology (DOST) matapos makatanggap ng bomb threat.| ulat ni Diane Lear