Siniguro ng pamunuan ng Philippine Reclamation Authority(PRA) na may ginagawa ang kanilang ahensya para matulungan ang publiko na apektado ng mga reclamation projects.
Ayon kay PRA Asst. General Manager Atty. Joseph Literal, mayroon silang Social Development Management Plan na siyang direktang aktibidad na nakalaan para sa mga apektado ng ibat ibang proyekto ng PRA.
Paliwanag ni Literal, kabilang sa mga proyekto nila ay livelihood training at pagbibigay ng mga gamit pangkabuhayan at iba pa.
Giit pa nito, ang mga naturang programa at tulong ay magpapatuloy kahit pa mahinto na ang mga proyekto ng PRA.
May scholarship program din ang ahensya para sa mga pamilya ng mga apektado ng reklamasyon kung saan posibleng maging empleyado ang mga ito ng mga negosyo na itatayo sa reclaimed area. | ulat ni Lorenz Tanjoco