Hindi aarestuhin ng Philippine National Police ang dating Pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling ito ang ipagutos ng International Criminal Court (ICC).
Ayon kay PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, kinakatigan ng PNP ang naunang pahayag ng Malacañang na walang hurisdiksyon sa bansa ang ICC.
Giit ni Fajardo, hindi ipatutupad ng PNP ang arrest warrant na ilalabas ng ICC kung sakali, dahil may sariling judicial system ang bansa.
Samantala, sinabi ni Fajardo na walang impormasyon ang PNP tungkol sa sinabi ng dating Pangulong Duterte na may nakaumang na pag-aresto sa kanya.
Matatandaang si dating Presidential Spokesperson Harry Roque ang nagsabi na tinawagan siya ng dating Pangulo at sinabi umanong may pending warrant of arrest laban sa kanya. | ulat ni Leo Sarne