Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Anti-Money Laundering Council (AMLAC), at Presidential Anti-organized Crime Commission, ang isang wanted na terorista na konektado sa Islamic State at Al-Qaeda.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naaresto kaninang 5:50 ng umaga si Myrna Mabanza sa bisa ng warrant of arrest sa Brgy. Pasil, Indanan, Sulu.
Nahaharap si Mabanza sa 5 counts ng paglabag sa RA 10168 o The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 at RA 11479 o The Anti-Terrorism Act of 2020.
Base sa ulat, Enero 2016 nang masangkot si Mabanza sa pag-transfer ng $107,000 sa noo’y ISIS-Philippines leader Isnilon Hapilon; at naging tagahatid din ng pera sa ibang ISIS member.
Si Mabanza ay designated ng Estados Unidos bilang global terrorist at kabilang sa sanctions list ng United Nations Security Council laban sa Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL) o Daesh at Al-Qaeda. | ulat ni Leo Sarne
📷: CIDG