Aabot sa halos ₱12.5-milyong halaga ng bigas ang ido-donate ng Valenzuela LGU sa mga lalawigang lubos na naapektuhan ng mga pag-ulan at pagbahang dulot ng northeast monsoon at low-pressure area o LPA.
Inanunsyo ito ng LGU bilang tulong sa mga residenteng naapektuhan ng mga sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha sa Davao Region.
Ayon sa LGU, partikular na ilalaan ang donasyon sa mga pinakaapektadong munisipalidad sa Davao De Oro at Davao Oriental.
Batay sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), umabot sa ₱1.7-milyong indibdiwal ang naapektuhan ng mga pag-ulan at pagbaha sa Mindanao dahil sa trough o extension ng LPA. | ulat ni Merry Ann Bastasa