Inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na makikipagtulungan ito sa gobyerno ng Malaysia para sa pagpapabuti ng sektor ng edukasyon sa bansa.
Ito ang bahagi ng sinabi ng Pangalawang Pangulo sa kaniyang pagbisita sa Malaysia para sa isinasagawang Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) Summit.
Ayon kay VP Sara, nais niyang paigtingin ang pakikipagtulungan sa usapin ng teacher education at learners’ protection.
Mahalaga aniya ito dahil bahagi ito ng kaniyang flagship project bilang Pangulo ng SEAMEO.
Nangako naman si VP Sara, na tutugunan nito ang mga hamon sa sektor ng edukasyon at magpapatupad ng mga programa para matugunan ang learning losses ng mga mag-aaral dahil sa pandemya.
Si VP Sara ay magsisilbing Pangulo ng SEAMEO simula 2023 hanggang 2025. Layon ng intergovernmental organization na isulong ang regional cooperation sa edukasyon, science at culture. | ulat ni Diane Lear