Ipinakita ng visa service firm na VFS Global na naitala ng Pilipinas ang pinakamataas na paglago ng bilang ng mga visa application sa Southeast Asia para sa taong 2023.
Ayon kay Kaushik Ghosh, pinuno ng VFS Global for Australasia, lumagpas sa 35% ang pagtaas ng bilang ng mga aplikasyon ng visa mula sa bansa noong 2023 kumpara sa antas bago ang pandemya noong 2019.
Dagdag pa ni Gosh, naitala ng Pilipinas ang pinakamalaking volume ng aplikasyon sa timog-silangang Asya kung saan kumpara noong 2022 tumaas pa ito sa 48%.
Ilan sa mga paboritong destinasyon ng mga aplikanteng Pilipino ay ang mga bansang Australia, Belgium, Canada, Denmark, Finland, Italy, Germany, Netherlands, Saudi Arabia, at Switzerland.
Binigyang-diin din ni Ghosh ang lumalaking pangangailangan para sa contactless at personalized na visa services na itinuturing bilang pangunahing trend sa visa application patterns noong 2023.| ulat ni EJ Lazaro